Bakit nalayo sa piling mo
Tinatanong pa rin sa isip ko
Na nagkulang ba anong masisisi
Kumakapit ba sa 'yo hanggang huli
Nagbubulag-bulagan ang damdamin ko sa tuwing
Naaalala ang lahat-lahat
Pa'no aaminin di ka na sa akin
Bakit ba hindi ko magawa na matanggal
Labis ang dalangin na ika'y limutin
Pa'no kung hindi na kaya pa na mag-panggap
Pa'no ang lahat
Dumadalas na ang pagtataka
Tama pa ba 'tong nadarama
O baka kailangan lang ng panahon
Naghihintay pa rin hanggang ngayon
Mabuti la't wala ka ng damdamin kong kinakailangan tanggapin
Lahat-lahat
Pa'no aaminin di ka na sa akin
Bakit ba hindi ko magawa na matanggal
Labis ang dalangin na ika'y limutin
Pa'no kung hindi na kaya pa na mag-panggap
Pa'no ang lahat
Nalilito gulong-gulo
Parang di ko kakayanin pag walang pag-Ibig mo
Na babalik sa pagpikit
Parang panaginip lang lahat-lahat
Pa'no aaminin di ka na sa akin
Bakit ba hindi ko magawa na matanggal
Labis ang dalangin na ika'y limutin
Pa'no kung hindi na kaya pa na mag-panggap
Pa'no ang lahat
Nalilito gulong-gulo
Hindi na kaya pa na mag-panggap
Pa'no ang lahat