menu-iconlogo
huatong
huatong
Lirik
Rakaman
Gusto ko lang naman ay marinig mo

Ang aking tinig

Kasabay ng liwanag sa paggising

Palubog na ang araw

Kailan ba diringgin

Pero ayos lang kung dumilim

‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin

Bituin (oh)

Bituin (oh)

Ako’y isang bituin

Kumikinang-kinang

‘Di dahil isang kilalang nilalang

Iba ang dahilan

Sa katunayan nga ay lagi nilang nila-lang

Pero ayos lang kasi wala na ‘kong pakialam

Kung isa man ako sa mga iniidolo

O isa ako sa mga kinabi-bwisitan ni’yo

Isa man akong munting kislap sa paningin ninyo

Ako naman ang araw ng sarili kong mundo

Naiintindihan ko ang aking kapalaran

Kahit tindihan ko at akin pang lawakan

Ay hindi lahat ng tao ay abot ang kalawakan

Malayo agwat kaya’t ‘di sya maliwanagan

Ito ang pinasok kaya dapat tanggapin

Oo tanggap ko nais lang sana kitang tanungin

Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin

Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo

Ang aking tinig

Kasabay ng liwanag sa paggising

Palubog na ang araw

Kailan ba diringgin

Pero ayos lang kung dumilim

‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin

Bituin (oh)

Bituin (oh)

Ako’y isang bituin

Kung kukumpara ay bago lang ako sa rap

Sinwerte at napabilang sa isang patimpalak

Pero ako ay minalas rin yata sapagkat

Halos lahat yata ng laban ko ako’y tambak

Ngunit tuloy pa rin sa sabong isinugal lahat

Kahit na ako ay dehado pati pato nilapag

Alam ni Kristo kung sino ang pilit nilalaglag

Kaya yung ‘di nila manok ang tinubuan ng pakpak

Nakalipad paahon sa kabila ng panahon

Pero kinaila halo-halo ang rason

Ganito kasi eh kasi gano’n

Sa kanya na nga nanggaling kasalanan ko ba ‘yon

‘Pag pabor sa inyo trip na trip ni’yong banggitin

Pero pag hindi bakit ‘di ni’yo kayang tanggapin

Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin

Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo

Ang aking tinig

Kasabay ng liwanag sa paggising

Palubog na ang araw

Kailan ba diringgin

Pero ayos lang kung dumilim

‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin

Bituin (oh)

Bituin (oh)

Ako’y isang bituin

Madilim na paligid ay nakakahawa

Sa sarili’y mawawalan ka ng tiwala

Pero ako’y hindi nababahala (ako’y isang bituin)

Madilim na paligid ay nakakahawa

Sa sarili’y mawawalan ka ng tiwala

Pero ako’y hindi nababahala(ako’y isang bituin)

Ako ay andito

Gabi-gabi kasi

Hindi makukuha sa isang gabi

Ang aking mga pangarap na minimithi

Hindi madali kaya hindi minamadali

Kaya pila lang ng pila tira lang ng tira

Iba nagpapatira pa para magka tira

Gusto mo magbago ang sagot niya hindi na

Kung ang akala mo huli na ang lahat hindi pa

Hindi ka dapat makuntento sa katuwirang baluktot

Porke ba kumportable ayos lang na malungkot

Ayaw mo masipa kaya ayaw sumuntok

Hindi porke’t napasubo kailangan na ilunok

Alam mo sa sarili kailangan mo gawin

Kung gusto mo tanggapin ang sarili ay tanggapin

Dahil ang tao ‘pag ‘di nakakakita ng bituin

Ang pagdating nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo

Ang aking tinig

Kasabay ng liwanag sa paggising

Palubog na ang araw

Kailan ba diringgin

Pero ayos lang kung dumilim

‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin

Bituin (oh)

Bituin (oh)

Ako’y isang bituin (oh)

Lebih Daripada Shehyee/Keiko Necesario

Lihat semualogo

Anda Mungkin Suka