Hindi ako asong sunod-sunuran
Panay lamang oo
Anong tingin mo sa sarili mo
Hindi ako papel na blangko
Sulat-sulatan kung kailan mo gusto
Anong tingin mo sa sarili mo
Di lahat ng gusto, dapat masunod
Di lahat ng hiling, dapat matupad mo
Ngunit natalo ako sa kan'yang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas
Pag sinabi kong ayaw, ayaw ko talaga
Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba't pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa, ako pa rin ang may
Wala akong sinabing oo
Wala rin sa galaw at kilos ko
Anong laman ng isipan mo
Nagiging agresibo sa 'king paghina
Lumalakas loob mo
Ako pa rin ba ang puno't dulo nito
Di lahat ng gusto, dapat masunod
Di lahat ng hiling, dapat matupad mo
Ngunit natalo ako sa kan'yang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas
Pag sinabi kong ayaw, ayaw ko talaga
Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba't pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa, ako pa rin ang may
La, la, la, la, la, la, la
Nagiging agresibo sa 'king paghina
Lumalakas loob mo
Ako pa rin ba ang puno't dulo nito
Di lahat ng gusto, dapat masunod
Di lahat ng hiling, dapat matupad mo
Ngunit natalo ako sa kan'yang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas
Pag sinabi kong ayaw, ayaw ko talaga
Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba't pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa, ako pa rin
Pag sinabi kong ayaw, ayaw ko talaga
Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba't pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa, ako pa rin ang may
Pakana