Kung sa puso mo
Ay 'di maiwasan
Ang pagdalaw nitong
Mga kalungkutan
Iyong alalahaning may
Amang nagmamahal
Laging nakamasid
Laging nakabantay
Huwag kang mabalisa
Sa anumang bagay
Sa ama ay ilapit
Iyong kahilingan
Sambahin purihin
Pasalamatan
'Pagkat siya'ng mag iingat
Ng puso mo't isipan
Huwag padadaig
Kahit nalulumbay
Ang pag asang taglay
Ay iyong ingatan
Ang dalisay na aral
Iyong panghawakan
Ikaw ay may diyos
Na madadaingan
Huwag kang mabalisa
Sa anumang bagay
Sa ama ay ilapit
Iyong kahilingan
Sambahin purihin
Pasalamatan
'Pagkat siya'ng mag iingat
Ng puso mo't isipan
Iyong ilagak
Ang pagtitiwala
Sa kaniya kumapit
Siya ang gagawa
Kung ika'y nangangamba
At puso'y nanghihina
Kaniyang nalalaman
Ang iyong pagluha
Huwag kang mabalisa
Sa anumang bagay
Sa ama ay ilapit
Iyong kahilingan
Huwag mabalisa sa
Anumang bagay sa ama
Sa ama ay ilapit
Iyong kahilingan
Sambahin purihin
Pasalamatan
'Pagkat siya'ng mag iingat
Ng puso mo't isipan
Ang diyos ay pag ibig
Lubhang mapagmahal
Ang 'di mo masabi
Siya ang may alam