menu-iconlogo
logo

Langgonisang maong, Dagang Denims

logo
Lirik
Sangkatutak dito sa lupa

Ang mahirap na ispelengin

Ngunit ang karamihan dito

Pagtanda'y makukuha mo rin

Ngunit alam n'yo bang may isa

At hanggang sa ika'y malagot

Bungang isip na panaginip

Bakit sa 'yo'y walang sagot

Mahiwaga ka panaginip

Minsan ay nakakatulala

Dito mo lamang makikita

Ang di mo makita pag gising

Tulad ng ano tulad ng ano

Tulad ng tulad ng

Langgonisang maong mga dagang denims

Durian na mabango at yelong maitim

O kay puting uwak sorbetes na bato

Sarili mong bangkay ay makikita mo

Elizabeth taylor sa 'ki'y nakasiping

O naku po diyos ko wag nyo kong gisingin

Kung kailan maganda dun pa nabibitin

Parang awa n'yo na wag n'yo kong gisingin

Aba't umaga na pala

Akala ko lahat ay totoo

Ngunit di bale panaginip

Mamayang gabi magkita tayo