Akaka ko ba'y
Ako ang mahal mo
At ako lang
Ang siyang buhay mo
At hindi mo ako
Maipagpapalit sa iba
Bakit ngayo'y
Para kang nagbago
Iba na ang mga kilos mo
At pati ang pananamit mo ay naiiba na
O talagang
Nagbago ka na
At ikaw ay nagsasawa na
Siguro ay mayroon ka
Ng mahal na iba
Totoong ikaw lang
Ang siyang mahal ko
At ikaw rin ang siyang buhay ko
At hindi rin kita
Maipagpapalit sa iba
At kung napansin mo ako'y nagbago
Yun ay para na rin sa iyo
Buti nang makilala mo
Na'ko ng maaga pa
O talagang ganito na'ko
Bago pa na'ng pag ibig mo
At ayaw ko ng magtago
Sa 'king balat kayo
Bakit kinailangan
Pang itago pagkatao mo
Ang nangyari tuloy
Ay pinagtampuhan pa kita
O mahal ko
Wag magtampo
Sa mga pagkakamali ko
At ang nagawa ko ay
Pinagsisihan ko na
Mahalaga'y narito ako
Narito ka sa piling ko
At hindi na mgkakawalay pa magpakailanman...