Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't isa'y kailangan
Dati mong pag-ibig
Wala akong pakialam
Basta't mahal kita kailan pa man
'Wag kang mag-isip ng ano pa man
Mga paliwanag mo'y di na kailangan
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man
Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man
----
Kung tayo'y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko'y
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
Kung tayo'y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako'y malayo na
Aking nadarama
Pagsasama nati'y
'di magtatagal
Kay laki ng hadlang
Sa ating pag-ibig
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na