Sanggol kang isinilang walang bahid na kasalanan
Inosente sa lahat ng bagay at walang kamalay malay
Nguni't may aninong palapit
Puno ng galit poot at pait
Ilawan ang daan nang ligaw na nilalalang
Nasaan ang liwang mula sa kamandag
Mabilis lumipas ang panahaon ang ngayo'y biglang kahapon
Sundin man ang tamang landasin pilit kang lilinlangin
Ang dugo'y nilalason
Lumalapot sa bawat taon
Ilawan ang daan nang ligaw na nilalalang
Nasaan ang liwang mula sa kamandag
Sa paglubog ng iyong araw nabuksan ang iyong mga mata
Sa mundo'y ika'y nasilaw pagsisisi mo'y huli na
Pag asa mo'y nalulunod
Isip mo'y nanonood
Ilawan ang daan nang ligaw na nilalalang
Nasaan ang liwang mula sa kamandag
Ahhh