menu-iconlogo
logo

Kayo

logo
Lirik
Teka mama para

Ako ay bababa na

'Di ko kayang marinig

Ang radyo mong madramang

Nagpapa-alalang

May hapdi parin sa dibdib

Ang sakit kasi

May iba na siya pati

O kailangan bang magkaganito

Pero kaso nga lang eh

Medyo 'di naging kami

Oa lamang talaga ako

Si ate sa estribo'y

Ibang makatingin

Para bang nais

Na niya 'kong magising

At sabihin sa akin na

Sino ka naman para sa kanya

Nasasaktan ka pa 'di naman pala kayo kayo kayo kayo

At kahit na anong pilit gawin

Mundo'y baliktarin ay 'di parin kayo kayo kayo kayo

Mama o sige

Diyan lang sa tabi bababa na talaga ako

Pag-apak ko'y sumabit at ako'y napatid

Buti na lang may sumalo

Ayos ka lang ba

'Yon lang ang ang nasabi niya

Nang biglang napayakap ako

Pagsulyap ko sa kanya

Parang may hawig sila

At parehas pa silang pabango oh

Parang weirdong-weirdo

Si kuya't napailing

Para bang nais na niya 'kong magising

At sabihin sa akin na

Sino ka naman para sa kanya

Nasasaktan ka pa 'di naman pala kayo kayo kayo kayo

At kahit na anong pilit gawin

Mundo'y baliktarin ay 'di parin kayo kayo kayo kayo

'Di ko matitigan

'Yong tao sa salamin

Pati siya'y nais na niya 'kong magising

At sabihin sa akin na

Sino ka naman para sa kanya

Nasasaktan ka pa 'di naman pala kayo kayo kayo kayo

At kahit na anong pilit gawin (kahit na ano)

Mundo'y baliktarin ay 'di parin kayo kayo kayo kayo

Sino ka naman para sa kanya

Nasasaktan ka pa 'di naman pala kayo kayo kayo kayo (yeah)

At kahit na anong pilit gawin (kahit anong gawin)

Mundo'y baliktarin ay 'di parin kayo kayo kayo kayo (di parin di parin di parin)

Mama o sige diyan lang sa tabi

Oo nga naman di pala kami

Kayo oleh Yumi Lacsamana - Lirik dan Liputan