Bakit lagi na lang ba akong mag-isa?
Aasa na lang ba ako sa pantasya?
Na sa'n ka na ba?
Maghihintay nga ba?
Para 'kong tangang
nalulungkot sa wala
Kahit sa'n tumingin
Ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Ang sakit kahit walang nananakit
Maghihintay ako, hinahanap kita
Minsan iniisip ko
Kung pangit ba 'ko? (Pangit ba 'ko?)
Kasi asa'n na binibini't habang buhay ko, oh
Hindi ba talaga sapat
ang tulad ko? (Tulad ko, uh)
Sa buhay ng isang prinsesa
na tulad mo, uh
Magtitiwala ba sa sinasabing tadhana?
Pa'no ba naman maniniwala?
Kung kahit sa'n tumingin
Ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Ang sakit kahit walang nananakit
Maghihintay ako, ako'y nalilito
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Hinihintay lang naman kasi kita
Magpakita ka naman sa 'king mata
Andito lang ako, hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Gusto ko lang masilayan
Ang kislap ng 'yong mata, ha, ha
(Asa'n ka na ba?)
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Ang sakit kahit walang nananakit
Maghihintay ako, ako'y nalilito
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Hinihintay lang naman kasi kita
Magpakita ka naman sa 'king mata
Andito lang ako, hinahanap kita
[ SongJoji ]