Bakit ba ako nanghihina 
Tuwing nababanggit ka 
Ang puso'y nagwawala 
Giliw bakit ba nakakalunod 
Ang iyong ganda 
Gusto ko lang sabihin na 
Yakapin mo ako ng mahigpit 
Wag ka ng bibitaw kahit saglit 
Ikaw na ang mahal 
Naghintay ng matagal 
Ikaw na ang aking pinagdasal 
Sabihin mo naman ang gagawin 
Wala namang ibang hihilingin 
Wala na ngang iba 
Ikaw lang nga sinta 
Mahalin mo lang ako at mamahalin kita 
Sabi mo saakin dati may gusto 
Ka pang iba 
Pero alam kong nahihiya 
Hindi mo talaga matatago 
Kung anong sinisigaw ng puso 
Kaya wala ng makakatakas dito 
Yakapin mo ako ng mahigpit 
Wag ka ng bibitaw kahit saglit 
Ikaw na ang mahal 
Naghintay ng matagal 
Ikaw na ang aking pinagdasal 
Sabihin mo naman ang gagawin 
Wala namang ibang hihilingin 
Wala na ngang iba 
Ikaw lang nga sinta 
Mahalin mo lang ako at mamahalin kita