menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Tamang Landas

Zaitohuatong
sanderseyeshuatong
Lirik
Rakaman
Dumarating sa buhay

Di ko maiwasang magipet

May pagkakataon tadhana tila napaka malupet

Ako ay simpleng tao kayang sumabay sa bawat daloy

Minsan naging kabilang sa mga batang palaboy

Simulat sapul tanong sa aking isipan ay bakit

Kailangan dumaan sa mga ganitong pasaket

Ang hirap ng naranasan at sa bawat pighati

Kahit kinukutya si zaito pinipilit magwagi

Dahil sa bawat laban di ko magawang umatras

Akoy pumapalag kahit minsan hindi parehas

Sa laban gamit ko ay utak at talim ng aking letra

Ang sakit kapag inabot parang ipin ng pirana

Pero ni minsan hindi ko nakalimutan ang taas

Dahil siya ang nag bigay nitong talino at lakas

Ngunit sa kabila naroon ang aking lungkot

Dahil hanggang ngayon hindi ko mahagilap ang sagot

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Maraming bagay saking buhay na gusto ko nang limutin

At mga karanasan parang ayoko nang isipin

Mga ala alang sa isip kusang bumabalik

Na parang sugat na likha ng parang maapakan ang tinik

Sa mga kabataan gusto ring pasukin ang laro

Tibayan ang loob sa bawat pagdapa ay tumayo

Muling bumangon at isipin normal ang pagkabigo

Hanggang sa maabot mo ang pangarap na buong buo

Ilang malalaking pagsubok ang saakin nagdaan

Malahigante ang laki pero pinilit lagpasan

Hinde ako nagpasindak sa malahlimaw ang bangis

Pinilit kong tapusin ang tula ko ng walang mintis

At kahit pa sunod sunod ang kaliwat kanang batikos

Bawat hawak ng micropono ay maaga kong tinapos

Di ko na kailangan pahabain ang salaysay

Kaya kong pasiklabin kahit walang pamaypay

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Pag dumating ang oras na akoy muling magigipet

Ayokong mag isa na parang nasiraan ng bait

Sa mga sandaling hindi ko mapigilang maiyak

Hiling ko sanay nasaking tabi asawa kot anak

Dahil silay mga munting anghel nagbibigay lakas

Para sakin ang pagmamahal walang katumbas

Di kayang pantayan ng salapi gintot karangyaan

Ayokong dumating ang oras na ako ay sumbatan

Walang kasing halaga saakin ang pagibig na taos

May kusang tulong na hindi ka umaasa ng tubos

Ang tunay mong kaibigan na handa sayong mag malasakit

At handang magsakripsyo ng walang kapalit

Akoy kasama nyo hangang sa dulo ng paglalakbay

Kahit huling patak ng tubig ay handa kong ibigay

Sa tulad mo na minsan narinig itong awitin

Saan mang dako ito ay lagi mong baunin

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Eto ba ang tamang landas

Saan ang tama at saan ako dapat umiwas

Sa pagkakataon ako ay naguguluhan

Sinong kakampi at sino ang aking lalapitan

Lebih Daripada Zaito

Lihat semualogo

Anda Mungkin Suka