menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sabi Nila

Agsunta/Gloc 9/Honchohuatong
wonderfuldayhuatong
Letra
Gravações
Para sa lahat ng mga hindi pinaniwalaan

Para sa lahat ng mga hinila pababa

Para sa lahat ng isinantabi

Ito lang ang aming masasabi

Kami po ang AGSUNTA

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Teka lang nangangapa

Ano nga bang meron sa kabila

Bat ba 'ko makikinig

Sa mga taong di makarinig

Ng katotohanang di nila nakakaila

Na di naman kame naiiba

Sapagkat iisa ang hinihiling

Mga batang may iisang daing

Na palaganapin ang sariling atin

Imbis na ating kalabanin ang isa't-isa dapat tulungan nating

Umangat ang bawat isa

Iangat pa ang iba

Bat di nalang tumingala

Hayaang Diyos ng manghusga

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Excuse me lang pasintabi muna

Sa mga di makaka sikmura

Ng aming mga ibabato

Sorry nalang ikaw ba 'to

Sa panahon ngayon ang sikat na linya

Ay ipopost kita sa social media

Maling balita maling akala

Maling-mali na ang kinakalat at

Di ka dapat naniniwala sa sinasabe ng iba

Maniwala ka kung sino kang talaga

Sa sarili mong mata sa sariling mong mata ikaw ay mahalaga

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Bakit nga ba andito meron lang sasabihin

Marami-rami na rin kasing karanasan na masakit sa feeling

Yun bang tagos hanggang buto at yun ang nagpatibay biruin mo

Ipinilit ko lang makapasok dati

Kahit di ako piliin sa eenie meenie miney moe

Napaka daming mga patibong

Napaka tulis parang balisong

Binilisan ko pa ng pasulong

Para akalain nila pabaon

Palipad na pala yon

Nasugatan ma'y gumagaling parin

Tumitibay lang di na iniinda ang tumitimbang

Para ang lahat bigla na lang mawiwindang damn

Ang lakas ng hangin yun na lang ang maririnig mo

Pag di nila kayang hatakin at sila'y napa bilib mo

Di naman nila kayang aminin tumingin

Wag kang pumikit dapat gising Sundin ang nanaisin

Sa dulo niyan masarap sa feeling

Lalo't kasama mo sa piling

Ang mga mahal mo at walang kapalit

Ang mga tagpo nakakasabik

Kahit bali-baliktarin wag kang makinig basta sabi-sabi

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Isang gabi may napanaginipan

Para bang kandila na hinipan

Naghintay ng matagal pero iniwan

Walang kasalanan laging napagiinitan

Nagabot ka ng kamay para tumulong

Sa huli ikaw ang nakitang gumulong

Sa putikan at may ilan titignan ka

Pababa hndi na naman daw kasi marunong

Tigilan mo na yan hanggang diyan ka lang

Hindi ka nababagay dito wala ng puwang

Mga salita na tila nakakabuang

Pinapasikip ang mga daan na maluwang

Kahit na kasya pa naman ang marami

Parang mga mekaniko sa banaue

Sama-sama pag ginapos na dayami

Kahit ako ang taya baka pwedeng sumali

Sa laro na matagal ko ng inaral

Sulat sa papel na binasa ko ng mabagal

Di nagpatalo alam ko naman na sagabal

Sinalang sa baga hanggang sa lumambot ang bakal

Wag kang bibitaw ikaw man ay mapaso

Ang tumigil mangarap ang tunay na atraso

Kahit na ano pa yan

Kahit walang kaso tandaan di sukatan ang hindi puno na baso

Ano ba ang mura sa mamahalin

O kaya'y mababaw sa malalim

Gaano kalinis ang hangarin

Pwede kang malasin o palarin

Pagdating ng panahon ay masasalin

Biglang mababago ang ihip ng hangin

Sa isang lamesa mahahain na sayo

Sa kanya at sakin

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na

Sabi ng lahat ika'y nadapa

Sabi ng lahat ay wala na to

Sabi nga nila di ka dapat narito

Di ka dapat naniniwala sa sinasabi ng iba

Maniwala ka kung sino ka talaga

Sa sarili mong mata

Sa sarili mong mata ikaw ay mahalaga

Di ka dapat naniniwala sa sinasabi ng iba

Maniwala ka kung sino ka talaga

Sa sarili mong mata

Sa sarili mong mata ikaw ay mahalaga

Mais de Agsunta/Gloc 9/Honcho

Ver todaslogo

Você Pode Gostar