menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Crush

ALLMO$Thuatong
r.g.bicklehuatong
Letra
Gravações
Uhm uhm yeah yeah yeah yeah ah huh ah na na na (ah ah yeah na na)

Pwede ba na sa 'yo ay tumabi sana sa 'kin ay 'di ka tumanggi

Marami akong gustong malaman sa 'yo kasi hindi ko pa rin mahulaan (sa 'yo)

Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na 'pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili

Sana'y pagbigyan ang gusto ko lang malaman kung kailan

Ayoko na kasing umasa sa puro salita na lang sana'y balang-araw

Ay dumating ang oras na pwedeng manligaw

Hiling ko lang baby ay mapasakin ka na lang para wala na 'kong kaagaw

'Wag na nating patagalin ano bang 'yong hinihintay bakit ayaw mo pa akong sagutin

Kung pwede sanang pahalik tagal ko nang nakaabang hindi mo ba ako napapansin

Kaya kung maging tayo aking ipapangako na tayo lang talaga't wala nang iba pa

Pwede ba na sa 'yo ay tumabi sana sa 'kin ay 'di ka tumanggi

Marami akong gustong malaman sa 'yo kasi hindi ko pa rin mahulaan (sa 'yo)

Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na 'pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili

Mukha ko ay kakapalan ko para 'di na mahiya dyaan sa harapan mo

Pwede ba 'kong makatabi 'yung tipo na gantong dikit na dikit

Amin na yung gamit mo at ako na yung magbibitbit

Alam mo ba kasing nabubuo yung araw ko na malungkot

Kapag ka nakikita ka nawawala na yung yamot

Puso ko na matigas biglaan mong napalambot siguro nga ikaw na yung gamot

Lagi lang nakaabang para masulyapan ka 'di mo na kailangan pang mag-ayos e natural na

Korte ng iyong mukha na talagang maganda

Dating pa lang mapapatanong na kung taga-sa'n ka

Sa madaling salita 'di ka din kasi mahirap mahalin

Isang lingon pa lang alam mo nang uulit ng tingin pero 'di ko hahayaan na ikaw ay mag-isa

Basta yung puso mo ay 'wag mong subukang isara

Pwede ba na sa 'yo ay tumabi sana sa 'kin ay 'di ka tumanggi

Marami akong gustong malaman sa 'yo kasi hindi ko pa rin mahulaan (sa 'yo)

Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na 'pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili

Marami ang namangha kung ba't napakaganda sana naman ikaw na at ako ang nakatakda

Siyempre malakas magbiro para kung mapagbibigyan ay 'di ka na malito

Pangako na mas iingatan pa wala ka nang dapat ipangamba lalo na kapag nalaman mo

Tanging sa 'yo lang ang paghanga ko palagi lang nakasunod kung saan nandu'n ka

'Wag sanang masamain ang aking pagpunta pagpasensyahan mo na tagal ko nang nanabik

Ayoko lang ding may iba sa 'yong napapalapit nangangarap na agad sabay tayong tumanda

Hindi naman na mapipilit kung hindi pa handa kahit hindi man tayo ang itinadhana ngayon

Hihintayin na lang kung ano ang tamang panahon

Pwede ba na sa 'yo ay tumabi sana sa 'kin ay 'di ka tumanggi

Marami akong gustong malaman sa 'yo kasi hindi ko pa rin mahulaan (sa 'yo)

Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na 'pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili

I'm stuck she got me wishin' for her kisses in my mind all night yeah we switchin' positions

Baby would you let me in if I asked you kaso pa'no sasabihin that I like you you you you oh

Napakasarap mong pagmasdan oh baby yeah you you you you palaging binabalikan

Oh yeah oh yeah pa'no ba kita titigilan girl 'di ko nga kaya na hindi ka titigan girl oh uh uh

Madami ang nagkakandarapa oh uh woah pa'no ba mapapaniwala

Na nung nakita ka'y nagkaro'n na ng gana sana balang-araw sa 'kin ka sumama

Pwede ba na sa 'yo ay tumabi sana sa 'kin ay 'di ka tumanggi

Marami akong gustong malaman sa 'yo kasi hindi ko pa rin mahulaan (sa 'yo)

Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na 'pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili

Ang hiling ko ay makatabi kahit pa na isang gabi (yeah yeah)

Dahil alam ko na malabong maging tayo baby yeah yeah hoh sshh (ALLMO$T music)

Mais de ALLMO$T

Ver todaslogo

Você Pode Gostar