Hindi ko kinakaya
Na bumangon mag- isa sa kama
Kahit ginawa ko nang
Tubig ang alak di tumatama
Kung sakali na magbago ang isip mo
Ako'y lagi lang naming nasa gilid mo
Kaso nga lang kahit na anong pilit ko
Ako'y di mo nakikita huooo
Hirap tanggapin 'di mo na ako kailangan
Sana naman nilabanan mo
Ano'ng nangyari sa tayo
Hanggang sa huli tuluyan bang kakalimutan ka
Ayoko pang mawalang ng pag- asang
Mga mata mo'y masilayan ko
Kahit ano pang gawin kong pagkukunwari ay tila ba
Nakalimutan nang kalimutan ka
Walang ibang mapagsabihan
Balikat ko'y tinatapik
Paano ko tatanggapin na ika'y hindi na babalik
Pag naalaalala kita
Luha'y di maipahinga
Mata'y wala nang mapiga
Di na ba talaga magbabago ang isip mo
Yan na ba talaga ang ikakatahimik mo
Kasi kahit na ano pang gawing pilit ko
Ako'y di mo na makita huooo
Hirap tanggapin 'di mo na ako kailangan
Sana naman nilabanan mo
Ano'ng nangyari sa tayo
Hanggang sa huli tuluyan bang kakalimutan ka
Ayoko pang mawalang ng pag- asang
Mga mata mo'y masilayan ko
Kahit ano pang gawin kong pagkukunwari ay tila ba
Nakalimutan nang kalimutan ka