Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
'Sin dalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan.
Dahil sa labi ko'y lagi mararamdaman.
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan.
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sakin sin dalas ng walang wakas saglit man magpisan.
Dahil sa ganoon paraan lang mag iisa.
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, di ba?
Ngunit kung pag ibig ay hindi rin lang wagas,
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas.
Pagkukunwari itago man ay lalabas,
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas.
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang sakin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?
Dahil ang pag ibig kung
hindi rin lang wagas,
Mabuti pa, mabuti nga,
mabuti ang
hanggang maaga'y magwakas.
Pagkukunwari itago man ay lalabas,
At minsan kang matuklasan
hapdi'y walang kasing dala
Gaano kadalas ang minsan mo
akong saktan?
Kahit minsan lang
sa 'kin para bang
walang katapusan
Gaano kadalas ba
ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas,
gaano kadalas ang minsan?
Gaano kadalas...
gaano kadalas ang minsan?