menu-iconlogo
huatong
huatong
celeste-legaspi-kabukiran-medley-cover-image

Kabukiran Medley

Celeste Legaspihuatong
neurighuatong
Letra
Gravações
Tayo na sinta sandali

At limutin ang himutok

Ang mga mata'y itanaw

Sa mga luntiang bundok

At sa bukid mo langhapin

Ang hanging malamyos

Na sing linis ng pagsintang

'Di ko matanos

Ang mga pipit sa galak

Ay nag aawitan

Ang ibig sabihin

Kay sarap mabuhay

Kung maralita man ikaw

At salat sa yaman

Ang ginhawa mo'y narito

Sa kabukiran

Tatalun talon iindak indak

Ang tubig sa batis

Kung pigilin mo'y pipiglas piglas

Tulad ng pag ibig

At tuloy pa rin ang pipit sa pag awit

Sa mga pook na ito'y walang hapis

Pupunday punday ang maninipis

Na dahong kawayan

Sasayaw sayaw sa nagdaraang mabangong amihan

O ako'y iyo sinta habambuhay

Sa gitna nitong masaganang kabukiran

Arimunding munding

Halina at magsayaw

Arimunding munding

At pakunday kunday

Sa iindak indak

Ang sarap ng pag imbay

Ay bagayan mo sinta

Himig ng tugtugan

Limutin ang iyong kalungkutan

Sa galak ating subaybayan

Bawat kumpas sa palakpak

At upang sumaya ang ating pusong kay wagas

Ng malimot ang lahat ng hirap na tinataglay

Ika'y paruparo

Bulaklak naman ako

Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango

Kung sakali't dumating ang ula't bagyo

Sukob na sa pakpak mo

Silong na sa ubod ko

Ika'y paruparo

Bulaklak naman ako

At magkasuyo tayo

Sa sakdal tamis mong paglingap irog ko

Langit ko'y pag ibig mo

Langit ko'y pag ibig mo

Mais de Celeste Legaspi

Ver todaslogo

Você Pode Gostar