Nand'yan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka 'di na natuto
Sulyap ng 'yong mata
Laging nadarama kahit malayo, ooh
Nahihirapan na
Lalapit-lapit pa 'di na natuto
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Ooh...
O eto na naman
Laging nananabik ang aking puso,
Ooh...
Muling bumabalik
Sa 'yong mga halik
'Di na natuto
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo (woh...)
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo (woh...)
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Ang puso ko'y tanging iyo lamang