menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Kwentong Barbero

Gloc 9/RAMDISShuatong
kurtwarner1huatong
Letra
Gravações
Sa buhay ng tao

Sadyang kay daming kuwento

Ang kaunti ay dumadami

'Pag hindi mo masabi

Ano'ng gusto mong gupit?

'Yun bang uso't malupit?

Ano'ng gusto mong gupit?

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

Dumaan ako sa barbero sa may kanto

Para magpagupit kasi mayro'n akong date

Binilisan kong maligo, hindi ito biro

Sumabit na agad sa jeep para hindi ako ma-late (tapos)

May dala pa 'ko na 'di mo masabi

May mga babaeng gusto nila palagi may bigay ka (bakit nga ba?)

'Pag ikaw naman ang may kailangan, madalang malaman

Hanggang mamatay ka, maghintay ka (patay tayo diyan)

Binilisang dumating sa pinag-usapan namin

Sa may crossing, sa tapat ng Shangrila (oh, teka muna)

Hindi ako makatingin kasi medyo madilim

Nakatayo sa malayo, may anino pa (ha?)

Tapos dahan-dahan na lumapit

Mahigpit na kumapit, saan daw kami pupunta? (Bakit?)

Teka, bakit may gano'n pa?

Ako lamang 'ata ang talo kung may pusta (yare)

Naalala ko tuloy bago ako gupitan

Ni mamang barbero, isang payo ang 'pinahiram

"Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay

Na nakuha mo lamang nang gano'n lamang kadali" (tama)

Papasalubungan ng ngiti

Mas masarap ang lasa ng pangarap kung ito'y hati-hati (oh)

Ano'ng gusto mong gupit?

'Yun bang uso't malupit?

Ano'ng gusto mong gupit?

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

'Di ka nagkamali, 'di ka nagkamali

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

Paulit-ulit ako na babalik dahil nakakapanabik

Na madinig ang kuwentong isinalin mo sa musika

Simula pa lang no'ng una ay alam ko na

Gusto ko na din gawin ang mga nadidinig sa 'yo

Nakapikit, nakangiti habang nakikinig ako

Kinikilig pa 'tong nabibilib sa 'yo

Nasa silid na madilim, nag-iisa, nababato

Habang kinakabisa ko ang mga bagong kanta mo

Nasa harap ng salamin, nakatayo

Pinapakalma ko ang balahibo kong tumatayo sa kilabot

Hindi naman nakakatakot, pero ako'y binabalot

Ng pagkahumaling, lalo kapag lumalim

Ang salitang sinasalin mo sa papel at pasaring

Mga dala mong pasanin, parang laging para sa 'kin

'Pag ikaw ang naghahain, lagi akong kumain

Kahit gutom sa pagkain, busog na 'ko pangarapin

Balang araw ay palaring magtagpo ang daan natin

Naalala ko tuloy bago ako gupitan

Ni mamang barbero, isang payo ang 'pinahiram

Dahil pagkatapos ng lahat ng 'to

Ay makakalimutan din naman nila tayong lahat

Hindi ako papayag na digang barbero lang 'yung sa 'kin

Pagsara mo ng aklat, makikitang pamagat ay Alamat

Ano'ng gusto mong gupit?

'Yun bang uso't malupit?

Ano'ng gusto mong gupit?

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

Mga 'di mo akalain, puwede palang pangarapin

At siyang mapapasaamin, 'wag mo nang hanapin

Kasi sa 'yo manggagaling kung mayro'n man o wala rin

Lagi mo lang tandaan ang paraan ay gan'to lang

Kung alam mo kung paano

Ilang beses ka mang kapkapan o hakbangan

Ay huwag ka diyan basta-basta magpatalo

Masyado nang maraming inindang sakit

Para maisipan ko pa na ipagpalit

Ang mga hangarin na pilit 'pinagkait

Pero patuloy ko pa rin na inilalapit ang aking sarili

Kahit na minsan ay ayaw nang manatili

Ako'y kinakalabit, mga tulang dekalibre

Bago ka maging kambing, kailangan muna maging buwetre

Sa pakakataon dapat kagat ay mala-tigre

Dahil ang buhay ay para ka lang nagpunta sa barbero at nagpagupit

Mga masamang nangyari'y kalimutan

At 'di mo na babalikan pa ulit, talupan ang nakadikit

Nasabi ko na 'to sa 'yo kaya naman dapat alam mo na

Ito ba'y kataka-taka bang mga bagay?

Bakit? Kasi nga ay nagagawa na ito ng iba

Naalala ko tuloy bago ako gupitan

Ni mamang barbero, isang payo ang 'pinahiram

"Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay

Na nakuha mo lamang nang gano'n lamang kadali" (tama)

Papasalubungan ng ngiti

Mas masarap ang lasa ng pangarap kung ito'y hati-hati (oh)

Ano'ng gusto mong gupit?

'Yun bang uso't malupit?

Ano'ng gusto mong gupit?

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

'Di ka nagkamali, 'di ka nagkamali

'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

Mais de Gloc 9/RAMDISS

Ver todaslogo

Você Pode Gostar

Kwentong Barbero de Gloc 9/RAMDISS – Letras & Covers