Hiram sa diyos ang aking buhay
Ikaw at ako'y tanging handog lamang
Di ko ninais na ako'y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay.
Ligaya ko na ako'y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sinong may pag ibig, sinong nagmamahal
Kung di ang tao diyos ang pinagmulan
Kung di ako umibig
Kung di ko man bigyang halaga
Ang buhay kong handog
Ang buhay ko'y hiram sa diyos
Kung di ako nagmamahal
Sino ako
Ligaya ko na ako'y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sinong may pag ibig,sinong nagmamahal
Kung di ang tao diyos ang pinagmulan
Kung di ako umibig
Kung di ko man bigyang halaga
Ang buhay kong handog
Ang buhay ko'y hiram sa diyos
Kung di ako nagmamahal
Sino ako?