Magandang Gabi 
. . . . 
Ito na'ng gabing hinihintay 
Mga tagahanga ko'y nagdatingang lahat 
Nananabik 'kong marinig inyong palakpak 
Mayroong kaba sa 'king dibdib 
Pinapawisan pa ng tila malagkit 
Ito ang dinaranas ko sa t'wing palabas 
Magandang gabi sa inyong lahat 
Ako'y nagagalak 
At kayo'y nagsidalo 
Sa gabi ng palabas ko 
Magandang gabi sa inyong lahat 
Ako'y nagagalak 
At tayo'y nagkaniig 
Kahit konting sandali... 
Sa harap ninyo ay walang lungkot 
Suliranin ko'y bigla ring nalilimot 
Ngiti ninyo'y mabisa ngang gamot 
Sa indak nitong musikang inaalay 
Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay 
Bumibilis, nag-iibang kulay.... 
Magandang gabi sa inyong lahat 
Ako'y nagagalak 
At kayo'y nagsidalo 
Sa gabi ng palabas ko 
Magandang gabi sa inyong lahat 
Ako'y nagagalak 
At tayo'y nagkaniig 
Kahit konting sandali... 
'Pag nagdilim na ang ilaw 
Hinahanap pa rin kayo 
Kung 'di dahil sa inyong lahat 
Ako'y wala rito........... 
Ito nga ang gabing hinihintay 
Sana'y 'di magwakas 
Sandaling nagniningning 
Alay sa lahat ng dumating 
Magandang gabi 
Maraming salamat 
Sa inyong lahat 
Hanggang sa muling..... 
Pagsasama.