menu-iconlogo
logo

Awit ng Bagong Taon

logo
Letra
Dapat bang balikan ang mga kaganapan ng taong nagdaan?

Bangayan, banggaan, awayan, hiwalayan, turuan, duruan

Kawalan ng kabuhayan

′Di pagkakaunawaan

Hanggang saan? (Hanggang saan?)

Hanggang kailan? (Hanggang kailan?)

Ang 'di mo alam, may pag-asa na nakalaan

May ilaw na masisilayan

Kung ang paningin lang natin ang papalitan

Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan

Bagong pananaw, bagong pagsulong

Bagong panimula, bagong pagbangon

Bagong handog sa atin ng Panginoon (Panginoon)

Bagong pagkakataon, bagong taon

Whoa-oh, whoa-oh, whoa

Whoa-oh, whoa-oh, whoa

Whoa-oh, whoa-oh, whoa

Whoa-oh, whoa-oh, whoa

Sana′y pagbibigayan at kapatawaran

Ang siyang maghari sa 'ting bayan (sa 'ting bayan)

Kung ang hanapin natin sa mundo′y kabutihan

Magandang bukas ang ating maaasahan

Na ang bawat isa sa ′tin ay may kagandahan

Kung bubuksan lang ang puso't isipan

Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan (natutuhan)

Upang may pagbabagong tunay na masaksihan

Bagong pananaw, bagong pagsulong

Bagong panimula, bagong pagbangon

Bagong handog sa atin ng Panginoon

Bagong pagkakataon, bagong taon

Oh, mga kapatid, ′wag na po sana tayo magsisihan ('wag magsisihan)

Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan (pagbibigayan)

Tunay na pagmamahalan (pagmamahalan)

Ang ating kailangan (kailangan)

Saan pa man, kailan pa man

Bagong pananaw, bagong pagsulong

Bagong panimula, bagong pagbangon

Bagong handog sa atin ng Panginoon

Bagong pagkakataon, bagong taon

Bagong pananaw, bagong pagsulong

Bagong panimula, bagong pagbangon

Bagong handog sa atin ng Panginoon

Bagong pagkakataon, bagong taon (bagong pagkakataon)

Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)

Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)

Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon, bagong taon)

Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)

Bagong pagkakataon (bagong taon)

Awit ng Bagong Taon de LeAnne/Naara/Keiko Necesario/Clara Benin – Letras & Covers