Bakit ka ba nagagalit sa akin
Bakit ako 'di mo na pinapansin
Kulang pa ba ang pagmamahal na alay ko sa 'yo
'Di mo lang alam na nasasaktan ako
Tinutupad ko naman ang mga pangako ko sa 'yo
Kahit hirap na nga, ay nagtitiis ako
Mapagbigyan ka lang ang lahat ay inaako ko
Ngunit bakit 'di mo pa rin pansin ito
Ako na nga lahat ang naglalaba
Ako pa rin lagi ang namamlansta
Namamalengke ako sa Divisoria
Pinagluluto ka pa
Inaalmirol ko ang 'yong palda
Kinukula ko pa ang panty mo at bra
Nahihirapan na ako
Nagmumukha na nga akong tangang gwapo dahil sa 'yo
Minsan naiisip ko ng nagkamali ako
Bakit nga ba umibig ako sa 'yo
Nasilaw ako sa angkin kagandahan mo
Ngunit ang ganda mo pala'y balatkayo
Pabuliyaw pa nga kung mag-utos ka
Mainit pa ang ulo kung walang pera
Ipinahihiya ako sa barkada
Minsan binabatukan mo pa
Sa gabing malamig ay masungit ka
'Pag nangalabit ako sinisiko mo pa
Ano na lang ang dapat kong gawin
Pa'no ko ba muling masasabing ikaw ay akin
Woah...
Napupuyat ako sa katitimpla
Ng gatas ng anak nating nag-iisa
Taga-pagpalit ako ng diapers niya
Habang naghihilik ka
Kapag wala pang almusal sa umaga
Binabato mo na ako ng arinola
'Di ko na yata makakaya pa
Minsan naisip ko nang umbagin ka na
Pero mahal kita
Woah...
Pero mahal kita
Pero alam mo bang
Namumuro ka na...