menu-iconlogo
logo

Sikulo

logo
Letra
Ooh-ooh-ooh (ah-ah-ooh)

Alam mo bang nasa'kin pa ang una mong tula? Ah-ah

Parang bulong sa hangin ang boses mo sa akin

Ikaw pa rin pala, ako'y huli na ba?

Bawat melodiya sa 'yo lang papunta, bumabalik sa umpisa

Kung puwedeng maulit, dasal ko sa langit

Ikaw na lang ulit, tayo na lang ulit

Paikot-ikot, nakakapagod

Pabalik-balik sa mga panahon

Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na

Tapos na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko

Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to

Pero uulit-ulitin ko kahit marindi man sa'kin ang mundo

Alam mo bang suot ko pa ang kwintas na regalo mo nung ikatlong taon?

Paano ba tayo napunta sa puntong 'to?

Kasi ikaw pa rin pala, nagsisisi ka rin ba?

Bawat melodiya sa 'yo lang papunta, bumabalik sa umpisa

Kung puwedeng maulit, dasal ko sa langit

Ikaw na lang ulit, tayo na lang ulit

Paikot-ikot, nakakapagod

Pabalik-balik sa mga panahon

Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na

Tapos na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko

Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to

Pero uulit-ulitin ko kahit marindi man sa'kin ang mundo

Kabisado ko pa rin mga tawa mo't tingin

'Di na mabura-bura kahit na gustuhin

Kinaya mo lang din, di na sana pinansin

Bawat bulong at sigaw ng iba, edi sana tayo pa (edi sana nandito ka)

Edi sana masaya (edi sana masaya)

Edi sana tayo pa, edi sana nandito ka (ah)

'Di sana nangamba kung ako'y mahal mo pa

Edi sana 'di hilo ang puso

Paikot-ikot, nakakapagod (paikot-ikot, paikot-ikot)

Pabalik-balik sa mga panahon (paikot-ikot, paikot-ikot)

Paikot-ikot, nakakapagod (paikot-ikot)

Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na

Tapos na ang kanta

Paikot-ikot, nakakapagod

Pabalik-balik sa mga panahon

Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na

Tapos na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko

Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to

Pero uulit-ulitin ko hanggang marindi na ang aking puso

Sikulo de Maki/Angela Ken/Nhiko – Letras & Covers