Wag mo sanang iisipin napapagod na 'ko
Di ako apurado pero sa 'yo ano ba 'ko
Gusto ko lang kasi makasigurado
Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba 'ko, bakit 'di pa sagutin
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin
Ang amo ng iyong mukha sa first look
Nung una kitang makita sa facebook
Kakaiba pa ang iyong pangalan
Para bang ang hirap hawakan
Wala na nga akong ibang hahangarin
Laking pasasalamat na ika’y sakin
Dumating at hinding hindi ka babaliwalain
Makasama lang kita yun lang ang aking hiling cuz
Ilang araw ka ng hindi dumadalaw
Alam mo bang hinahanap kita ara araw
Gabi gabi ako’y hindi mapakali
Inaalala ko ang mga bawat sandali
Dahan dahan ng nahulog
Hindi ko namalayan
Na ikaw pala ikaw na nga ang matagal ko ng hinintay
Tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko
At kahit anong gawin limutin ka hindi maalis sa isip ko
Kase di ko na matiis love
Dahan dahan kitang name miss love
Ilang beses man nilang aliwin ikaw at ikaw pa rin ang
Gusto kong kini kiss love
I don’t know what to do
Or even I’m gonna say cuz every time
Na nariyan ka ako’y naprapraning
Di na makagalaw sa kinatatayuan
Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko’y tumitigil
Wag mo sanang iisipin napapagod na 'ko
Di ako apurado pero sa 'yo ano ba 'ko
Gusto ko lang kasi makasigurado