menu-iconlogo
logo

Habangbuhay

logo
Letra
Kay dami na nating pinagsamahan

Kay dami nang pagsubok ang nalagpasan

'Di tayo natinag at ngayo'y narito pa

'Sing tatag ng puno sa gitna ng sigwa

Hinarap natin ang bawat hamon

Ang tag- ulan at tag- araw ng bawat panahon

Ngayon ang pintig ng ating puso'y iisa

'Di kailanman susuko at 'di mawawala

Kahit saan kahit kailan

Sa atin ay walang iwanan

Kung ang puso ay nalulumbay

Sasamahan ka maging habang- buhay

Umabot man tayo ng sampung dekada

Aawit pa rin at maggigitara

Kahit na mangangapa sa tono at letra

Pasintabi na lang po 'pagkat ako'y tumatanda

Umihip man nang umihip ang hanging amihan

'Di maglalaho ang pinagsamahan

Umikot man nang umikot ang kapalaran

May awit at alaalang maiiwan

Ngunit mahaba- haba pa ang ating biyahe

Marami pa sa daan ang mangyayari

Basta't 'wag bibitiw magtiwala sa isa't isa

May bunga ring biyaya ang mga pagtitiyaga

Kahit saan kahit kailan

Sa atin ay walang iwanan

Kung ang puso ay nalulumbay

Sasamahan ka maging habang- buhay

Kahit saan kahit kailan

Sa atin ay walang iwanan

Kung ang puso ay nalulumbay

Sasamahan ka maging habang- buhay

Maging habang- buhay

Maging habang- buhay

Maging habang- buhay

Habangbuhay de Noel Cabangon/LeAnne/Naara – Letras & Covers