Nagtatanong ang puso ko kailan kaya
Kasagutan sa dalangin inaasam
Bakit kaya sa paglipas
Ng araw na nagdaan
Kasagutan ay hindi ko nakamtan
Tulad ng bata ako ay may ninanais
Sa buhay ko ang nais maangkin
Ang hangarin Niya hindi ko napapansin
Ang Diyos pala sa 'kin may layunin
Hangarin ng Diyos ay sa kabutihan ko
Kailangang Siya ay panaligan ko
Sa tamang panahon, sa tamang panahon
Kalooban ng Diyos ay magaganap
Sa dalangin mo ang Diyos ay may sagot
"Hindi" kapag iba ang nais Niya
Kung minsa'y "Maghintay"
Ang itutugon sa 'yo
"Oo" kung ito'y layunin Niya
Hangarin ng Diyos ay sa kabutihan ko
Kailangang Siya ay panaligan ko
Sa tamang panahon, sa tamang panahon
Kalooban ng Diyos ay magaganap
Kalooban ng Diyos ay magaganap