Saang sulok ng langit ko matatagpuan kapalarang 'di natitikman
Sa pangarap lang namasdan Isang lingon sa langit
At isang ngiting wagas may talang kikislap, gabay
Patungo sa tamang landas
Unti unting mararating kalangitan at bituin
Unti unting kinabukasan
Ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman
Sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
Ilang sulok ng lupa, may kubling nalulumbay
Na nasanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit, nais magbagong buhay
Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas
Unti unting mararating
kalangitan at bituin
Unti unting kinabukasan
ko'y magniningning
hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
woooh ohh ohhh oohh ohhh oh ohhhhh
Unti unting mararating
kalangitan at bituin
Unti unting kinabukasan
ko'y magniningning
hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin