Tubig at langis ang katayuan nati'y yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyang ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna'y magkaiba
Langis at tubig di mapagsama ng tunay mang pag ibig
Hinanakit ang syang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba
Tubig at langis
Idarang man sa init di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis
Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ting daigdig
May dasal ba akong hindi nya narinig
Papel natin sa pag ibig
Ako'y langis ika'y tubig
Tubig at langis
Idarang man sa init di rin tatamis
Dahil ang haloy luhat paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis
Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ting daigdig
May dasal ba akong hindi nya narinig
Papel natin sa pag ibig
Ako'y langis ika'y tubig
Ako'y langis ika'y tubig
Ako'y langis ika'y tubig