Lagi na lang ganito 
Isipan ay gulong gulo 
Lagi nalang nabibigo 
Ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso 
Ilang liham na ang sinulat sayo 
Ilang luha na rin ang natuyo 
Kailan kaya muling makakatawang 
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip? 
Kailan kaya muling makakamit 
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip? 
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo? 
Kung anuman ang totoo 
Isip man ay litong lito 
Handang handa ako sumalo 
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso 
Ilang awit na ang inalay sayo 
Ilang luha na rin ang natuyo 
Kailan kaya muling makakatawang 
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip 
Kailan kaya muling makakamit 
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip? 
Kailan? Kailan? Kailan? Kailan? 
Kailan ang dating 
Kailan kaya muling matatamasa? 
Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta 
Kailan kaya muling mararanasan? 
Ang pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala ala