Sa wari ko'y 
Lumipas na ang kadiliman ng araw 
Dahan dahan pang gumigising 
At ngayo'y babawi na 
Muntik na 
Nasanay ako sa 'king pag iisa 
Kaya nang iwanan ang 
Bakas ng kahapon ko 
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko 
Nagbago man ang hugis ng puso mo 
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 
'Pagkat tuloy pa rin 
Kung minsan ay hinahanap 
Pang alaala ng iyong halik 
Inaamin ko na kay tagal pa 
Bago malilimutan ito 
Kay hirap nang maulit muli 
Ang naiwan nating pag ibig 
Tanggap na at natututo pang 
Harapin ang katotohanang ito 
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko 
Nagbago man ang hugis ng puso mo 
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 
'Pagkat tuloy pa rin 
Muntik na 
Nasanay ako sa 'king pag iisa 
Kaya nang iwanan 
Ang bakas ng kahapon ko 
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko 
Nagbago man ang hugis ng puso mo 
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 
'Pagkat tuloy pa rin