Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko!
Sige bilisan mo pa ha hanggang sa
Madapa kasi ang kupad kupad mo
Takbo para di ka maabutan,
Kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka
A para bang nakunan sa sinapupunan uh
Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
Halatang inakala ng iba
Na di makapangyarihan ang mga ginayuma
Wasak ang mga talukap ng mga masangsang
Na alamang at talangkang walang alam at
Halatang nagtatakang naghahatakan ng
Pababa ng pababa lang hanggan
Sa hangganan ng walang hanggan
Puro mga inggitero na bagot,
Oo mga feelingerong nayamot
Pano niyo ko hihilahin sa balong
Malilim e hindi niyo nga ko maabot
Bratatatatatara chik chik bang!
O di ba nakakatakot?
Pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
Kapag sure hit na ang mga pasabog
Sino ba yan? sinubaybayan at
Sinabayan nanaman ng buong sambayanan
Kahit gago,makabago, makatao at
Makatarungan eto na si abra tantananan
Di man katangkaran pero nakayanang
Umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba
Talaga mag-isip miski maliit
Ang dami paring mga tumitingala braaaa!
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad sa isang
Higanting pintuang di mo maitulak
Tignan mo itsura, di mo masikmura
Parang ginawa mo inumin ang suka
Wag kang umasa na mangyari
Magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin
Bituwin at lupa
Libu-libong sinagupa binaon
Parang basura pinipicturan ko muna
Bago ilibing sa lupa primitimong
Lirisismo pipilitin kong pihitin
Kung tingin mong kiliti mong imposible
Kong makuha pilipinong sining
At literaturang hinaluan ng mga
Bara na parang hiroglipiko masulat
Mga titik na inipon at sinukat ay
Nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka
Pag ako nagalit, papaupuin
Kita sa dala ko na karet
Ako si kamatayan bumaba mula sa langit
Alam mo ba kung bakit?
Para sindihan ka nang buhay
Hanggang sa malapnos ang
Balat at makalbo ang anit
Pag parang kambing na yung
Amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok, puyat, kuya kiko at ni 2pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
Upang makita nila lampas bente ang taas
Maaring makapasok kaso nga lang
Pag pintua'y nagsarado siguradong
Di na pwedeng lumabas
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng banahaw
At naligaw sa gitna ng gubat
Di mo maintindihan parang
Dikit dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letrang parang
Tren pinanakbo pa rin
Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
Hawak ko'y tinidor na mula kay poseidon at shiva
Pag tinamaan nang lintek siguradong
May baong matataas na along
Kayang lumamon ng isla
Salamat ginising mo ang pinakamatangkad
Sa limang daliri ko
Uso ata ang utak at uso pa bato
Panahong paleolitiko
Masdan mo ang sugat sa likod ng
Larawang ng mga multong di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula ngayon
Nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang
Lupa mula sa bala ng shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang
Sa mapadpad sa patag
Na dapat lakaran pag daan
Ko mga aso kumahol
Yung iba ay naglabas ng pala, piko, asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lali
Ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
Sariling ataol
Tanggalin niyo na muna ang mga muta
Sa mata na nakabara hala sige maghilamos
Nang makita niyo na mga patay na
Isda lang ang sumasabay sa agos