menu-iconlogo
logo

Paumanhin

logo
Тексты
'Di pa ba halata na gusto na kita?

'Di pa ba halata na gusto na kita?

'Di pa ba halata na gusto na kita?

Kalaunan nagsilbi kang silungan sa gabing maulan

Kapalaran ay nagpasya, 'di naman sinasadya na

Masilayan nang malapitan, sa presensya mo ako'y dalang-dala

Aba, teka parang may mali? Hindi ito madali, eh

'Di lubos maisip ang kahahantungan

Sa kadahilanang may hadlang sa nais simulan

Paumanhin kung pipilitin pa rin na sundin ang damdamin

Ano'ng gagawin?

Kung hindi ka talaga para sa akin, paumanhin

Para sa kapakanan ng pag-ibig, kasalanan man ang manaig

Kung hindi man palarin, nawa'y ako ay patawarin

Kung sa 'king panaginip tayong dalawa

Balewala ang nasa paligid

Sasabihin ko kung ano'ng gusto ko sabihin

'Di mahalaga kung 'nong iba ano isipin

Kasi ang sarili, 'di na nga masisi, 'di ko pa mapigil

'Di ko maturuan na ikaw ay layuan

Kahit masama mapalapit

Mga natutunan ko ikaw ang dahilan

Minsan masarap magkamali

Sa iba ka man nakalaan

Gagawa ako ng paraan

Ayaw na kitang pakawalan

Dahil sa 'yo na napamahal

'Di lubos maisip ang kahahantungan

Sa kadahilanang may hadlang sa nais simulan

Paumanhin kung pipilitin pa rin na sundin ang damdamin

Ano'ng gagawin?

Kung hindi ka talaga para sa akin, paumanhin

Para sa kapakanan ng pag-ibig, kasalanan man ang manaig

Kung hindi man palarin, nawa'y ako ay patawarin

Kung sa 'king panaginip tayong dalawa

Paumanhin kung iibigin ka nang palihim

Paumanhin kung iibigin ka nang palihim

Paumanhin kung iibigin ka nang palihim

Paumanhin kung iibigin kita, ah-ah

Paumanhin kung iibigin ka nang palihim (whoa-oh, whoa-oh)

Paumahin, hmm, paumanhin

Paumanhin от Adie/Flow G - Тексты & Каверы