Kitang kita sa iyong mata
Na 'di na ako mahalaga
Ramdam ko sa 'yong mga hawak
Na meron kang binabalak
Haplos na kay lamig
Tikom na mga bibig
Wala na ba talagang
PAG IBIG?
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako'ng
Magpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na
Wala ng init ang iyong yakap
Mauudlot na ang mga pangarap
Mga halik na kay tamis
Hindi man lang dumadaplis
Sana 'di na magtagal
Kayanin ng dasal
Na'san na ba ang
PAGMAMAHAL?
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako'ng
Magpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na
'Di na kita pipilitin pa
Kung talagang ayaw mo na
Basta tandaan mo
MAHAL KITA
Hindi ka na kailangan mahirapan pa
Ako na lang
Malaya ka na
Ooooohhhhhh....
hhhooooo...
Kaya pa ba?
Ipaglalaban pa ba?
'Di pa nga nag uumpisa
Sumuko ka na
Nasayang ang lahat
Tinapon mo nalang
Pinagsamahan nating dalawa
BINALEWALA
hhhoooooo...
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako
Nagpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na