Sa gabing ika’y kalakip,
Puso’y nag uugnay
Kaligayahan at sa halip
Napapawi ang lumbay
Lagi ng nasa isip
Pag ibig ko’y tunay
At pati sa panaginip,ito’y walang humpay
Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung
May iba kang mahal
At kung ako sayo’y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito’y wala ng magagawa
At aanhin pa ang puso kung di mo pansin
Hindiing hindi na natuto
.. bigo ang damdamin
Ito ba ang pag suyo na dapat tanggapin?
Di malaman kung paano ang aking gagawin
Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung
May iba kang mahal
At kung ako sayo’y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito’y wala ng magagawa
Huling huli ko ikaw
Ngunit di makasigaw ooh
Ngayon ay alam ko na
Mas gusto mo sya ooh
Ooh
Ang ika’y mapasaakin, kaligayahan na
Ang lahat ay hahamakin
Masunod ka lang, sinta
Sino ba ang pipiliin sa aming dalawa?
Kaya’t sabihin na sa
Akin, ako’y wala na ba?
Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung
May iba kang mahal
At kung ako sayo’y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito’y wala ng magagawa
At ang bakas ng lumipas, aking babalikan
Di ba’t ako ang taga pilas
Ng iyong kalungkutan
Ngunit bakit pinapilas
Ang ating samahan?
Marahil sa iyong pag iwas
Ako’y napabayaan
Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung
May iba kang mahal
At kung ako sayo’y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito’y wala ng magagawa
Huling huli ko ikaw
Ngunit di makasigaw ooh..
Ngayon ay alam ko na
Mas gusto mo sya ooh
Huling huli ko ikaw
Ngunit di makasigaw ooh..
Ngayon ay alam ko na… mas gusto mo sya
Ooh..