Wag mo pilitin na isipin
na walang pag asa
Pagkat meron pa yan
Tingnan mo yung karamihan na meron pasan
Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata
Sila pang magtatanong
kung nakakain ka na ba
Namamagang mga mata mga hitang pata pata
Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa
Dahil sa bossing mong panot,
masungit at lobo ang tiyan
Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan
Dahil alam mo naman ang pagsubok,
Dadaanan mo yan para mahubog
Wala namang mali sa pagsugod
Kung walang pinapalampas,
wag kang matulog
At kung sakaling mahulog
tandaan na merong sasalo
Pangarap ay matatamo
ito ang arangkada mo
Hindi uso ang bakasyon
kahit araw ng sabado
Walang hintuan mapagod man o
hatakin ka ngayon ng kama mo tara…
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na
lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang
Di lamang ikaw ang may problema… marami
Ang payo ko sa iyo
ugaling tsinelas palagi
Problema sa pera at problema sa renta
Problema sa pag ibig, ganyan talaga
Oras oras napapaisip, at
napapatitig sa salamin… nanahimik
Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit
Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit?
Todo bigay at halos mapatid ang litid
Papadaig ka ba sa utak na makitid?
Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik
Maraming kokontra, natural ang mabwisit
Ang mamato ng bunga, dyan sila mahilig
Nagkalat ang ganyang
uri ng tao sa paligid
Pero salamat na rin
kaya ako laging mainit
Hanapin ang sagot, bawal ang sirit
Magagawa mo rin ang kaya
mong gawin sa panaginip
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na
lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang
Alam mo ba na nagsimula
lang din ako sa kalye?
Hindi pa swabe, kabado
pa date, pasmado pa pare
Madalas na sermonan pero ganado palage
Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase
Yan ang sabe, alam ko
na mahirap yun gawin
Kaso ako si makulit
kaya tinutuloy pa rin
Derederetso na kapag
meron inayang dumating
Inaraw araw dahil
nagbakasakaling gumaling
Lahat ng bumangga, dapat ay bulagta
Umabot pa nga sa punto
na naging sugal na
Yun nga lang pano na lang
kaya pag ako’y gurang na?
Nung maisip ko yon,
parang ayaw kong tumanda
Kaso hindi naman pwede na ganon
Kasi nga mas mabilis pa kay
Lydia 'tong takbo ng panahon
Bago pa mapunta don susulitin ko na muna
Dahil ang lalakarin ko ay
sadyang malayo layo pa
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na
lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na
lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang
At kung sakaling mahulog
Tandaan na merong sasalo
Pangarap ay matatamo
ito ang arangkada mo
Bilisan mo lang
At kung sakaling mahulog
Tandaan na merong sasalo
Pangarap ay matatamo
ito ang arangkada mo
Bilisan mo lang