menu-iconlogo
logo

Haring Araw

logo
Тексты
Basta kasama ka, kumpleto na ang aking araw (araw)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw (araw)

Hawak ang kamay, nakadantay pa walang makakaagaw (walang iba, walang iba, ikaw lang)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw

Habang ikaw ay kasa-kasama, pagala-gala, hindi nakakasawa

Bahala na tadhana, sagot na ni Bathala

Lakas ng tama, kawawa ang baga sa kakatawa (ha-ha-ha-ha)

Do'n tayo sa paborito mong kainan

At kung 'di mo maibigan sa chubibo maglambingan

Biruin mo si kupido napagbalingan ako ng pana

Maniwala ka sana, 'di ako manlalamig parang naka-pajama

Asawa ang turing, ako ay 'di na antukin

Daig pa natin ang pamilya ni Lumeng

Mahirap habulin 'pag tayo magkasama

Ang daan, akala mo sagala, sakop ang kalsada

Gusto mo sa tabing dagat, tamang inom sa may pampang

Nakaupo lang, tambay inuman habang bilog ang buwan

Para bukas, sa uulitin tayo ay magsama

Balewalain, ang dapat 'yung gusto mo, 'yun ang tama 'di ba?

Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw (araw)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog nng Haring Araw (araw)

Hawak ang kamay, nakadantay pa, walang makakaagaw

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw

Habang ikaw ay kasa-kasama, pagala-gala

Kahit sa'n mapunta, sige lang, bara-bara

Sa atin ang mundo, sagot ko na ang pamasahe

Tamang trip, sago't gulaman, tuhog fishball, do'n sa kalye

Dapat ganito palagi ang nangyayari

Sulitin ang araw, pati gabi nang makarami

'Kala 'ko nagtuturo ka, hahalik lang pala sa labi

Sa kasamaang palad, hindi pupwedeng walang bawi

Nasa likod mo 'ko parati na parang etiketa

Kung pagod ka na, angkas muna sa bisikleta

Humawak ka sa baywang, baka malaglag, tawanan sa daanan

Sabay sa 'king kada padyak

Kulitan magdamagan kahit nasaan pa man

Parang mga pirata kung makipagsapalaran

At kung sakaling pagtulungan 'man ng agos at ng alon

Tatawanan lang natin hanggang matapos ang maghapon, kaya

Kaya, basta kasama ka, kumpleto na ang aking araw (araw)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw (araw)

Hawak ang kamay, nakadantay pa walang makakaagaw (walang iba, walang iba, ikaw lang, kaya)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw

Ang sarap-sarap-sarap mong kasama

Sarap-sarap mo naman na kasama

Ang sarap-sarap-sarap mong kasama

Sarap-sarap mo naman na kasama

Nandito lamang ako, ikaw ba ay nangangamba? Ako'ng bahala sa 'yo (sa 'yo)

Nandito lamang ako, ikaw ba ay nangangamba? Ako'ng bahala sa 'yo (sa 'yo)

Nandito lamang ako, ikaw ba ay nangangamba? Ako'ng bahala sa 'yo

Diretso lang ang tingin, 'wag ka nang lumingon

Isipin mo na lang ito ang daan papunta sa ating prusisyon

Pagmamahal na walang kundisyon

Maglalakbay at sasabay kahit na nakaposisyon

Mga harang na 'di maisantabi sa isang tabi

Kabilang parte naman nito, malabo na mapaghiwalay nila kami

Wala silang pake

Basta kasama ka, kumpleto na ang aking araw (araw)

Tara sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw (araw)

Hawak ang kamay, nakadantay pa, walang makakaagaw (walang iba, walang iba, ikaw lang, kaya)

Tara, sabay nating tingnan ang paglubog ng Haring Araw (teka, anong oras na?)

'Di ko na namalayan na inabot na pala ng madaling araw (teka, nag-uunat na 'yung mga manok)

Parang kanina lang ay nagba-bye paalis ang Haring Araw (parang bilis lang ah?)

Hanggang bukang-liwayway, kumaway, kahit ang tulog ay mababaw

Ulo mo sa 'king balikat, inabutan ng pagsikat ng Haring Araw, kasama ka

Tara nga dito, ang cute-cute mo eh, 'no? 'Lika ka nga dito, dali (kasama ka)

Ah, alam ko na, luto tayong noodles, pagtimpla mo'kong kape, he-he-he (kasama ka)

Tinatawag na tayo ng kama, oh

Gusto tingnan natin 'yung mga kumot? Tara (kasama ka)

Tara, tulog na tayo, tapos, mamaya ulit Okay? (Kasama ka)

Haring Araw от Apekz - Тексты & Каверы