Batang bata ka pa at marami ka pang
Kailangan malaman at intindihin sa mundo
'yan ang totoo
Nagkakamali ka, kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting
Paraiso lamang
Batang bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na
Kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang
Na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
Pagka't ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo
Pagka't musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian
Batang bata ako nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang ang
Aking nalalaman at nauunawaan
Nguni't kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan
Ang bawa't nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas
Ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan
Sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya 'sang
Katangi tanging bata
At marami ka pang kailangan malaman
At intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Batang bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na
Kailangan mong malaman
Sariling pagraranas
Ang aking pamamagitan
Nagkakamali ka, kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting
Paraiso lamang
La la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la
La la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la