menu-iconlogo
huatong
huatong
asop-music-wala-kang-katulad-cover-image

Wala kang Katulad

ASOP musichuatong
myboys4everhuatong
Тексты
Записи
Sa paggising napuputol ang anomang panaginip

At ang taong naghihintay umaalis ‘pag nainip

Kagustuha’y nagbabago, paghanga’y pwedeng mag-iba

Lahat panandalian lamang talaga

Nauubos ang salapi kapag ito’y ipinambili

Ang bago ay naluluma, ang pagtanda ay madali

Trabaho ay natatapos, katanyaga’y lumilipas

Ngunit kabutihan Mo’y hindi magwawakas

CHORUS

Panginoon, walang Kang katulad

‘Di nagbabago, ang biyaya Mo’y sapat

Pag-ibig Mo’y walang hanggan

Ika’y ‘di mapapantayan

Panginoon, wala Kang katulad

Maaaring malimutan ang taglay na karunungan

Paghina ng kalakasan ay ‘di maiiwasan

Ganda ay kumukupas, ang yaman ay maiiwan

Ngunit ang awa Mo’y magpakailan pa man

Wala ngang matatagpuan na isang katulad Mo

Nananatili Kang tapat, banal, dakilang totoo

Marapat Ka na sambahin, ibigin ng buong puso

O Dios ang awit na ito’y para sa’Yo

Panginoon, walang Kang katulad

‘Di nagbabago, ang biyaya Mo’y sapat

Pag-ibig Mo’y walang hanggan

Ika’y ‘di mapapantayan

Panginoon, wala Kang katulad

Panginoon, walang Kang katulad

‘Di nagbabago, ang biyaya Mo’y sapat

Pag-ibig Mo’y walang hanggan

Ika’y ‘di mapapantayan

CODA

Panginoon, Panginoon

Wala Kang katulad (3x)

Еще от ASOP music

Смотреть всеlogo

Тебе Может Понравиться