Kanta nang kanta ensayo nang ensayo
Awiting pamasko'y di pa rin kabisado
Sige lang nang sige kahit wala sa tiyempo
Malapit na kaming magkaroling sa inyo
Bilang nang bilang ng inipong pera
Kabado man sa gastos ngunit tayo'y maligaya
Bili pa nang bili ng kung ano-ano
Alin nga bang regalo'ng ibibigay sa'yo
Ilang tulog pa ba malapit na malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Ilang tulog pa ba darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba heto na heto
Na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako ayos na ang pasko
Hamon at keso'y malapit nang ihain
Kay tagal nang binili hulugan pa man din aray
Di bale nang medyo gipit basta't tayo'y maligaya
Ang masayang pasko'y hinihintay ko na
Kalembang nang kalembang ang kampanang kay lakas
Batian nang batian ng meri krismas
Lahat ng masalubong ay may ngiti sa labi
Kahit nagtatampuhan ay nagkakabati
Ilang tulog pa ba malapit na malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Ilang tulog pa ba darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba heto na heto na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako ayos na ang pasko
Huwag mong bibilangin ang tulog sa tanghali
Sasapit ang paskong pagkadali-dali
Magigising tayo sa tuwa't ligaya
Ilang tulog pa ba pasko na pasko na
Pasko na pasko na
Ilang tulog pa ba malapit na malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Ilang tulog pa ba darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba heto na heto na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya
Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako ayos na ang pasko
Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako ayos na ang pasko
Ilang tulog pa ba ilang tulog pa ba
Ilang tulog pa ba ilang tulog pa ba
Ilang tulog pa ba ilang tulog pa ba
Pasko na