Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag iisa
Nakatanim pa rin
Ang gumamelang
Binalik mo sakin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko
Kahit buhusan mo ng
Beer ayaw pang mamatay
Giliw wag mo sanang limutin
Ang mga araw na
Hindi sana naglaho
Mga anak at bahay
Nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
Nung iniwan mo ako
Kaya ngayon
Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko
Ang beer na to o
Ang pag ibig mo
Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
Kahit tambucho
Kukuha ako ng beer at
Ipapakulo sa kaldero
Lalanghapin ang usok nito
Lahat ay aking gagawin upang
Hindi ko na isiping
Nag iisa na ako
Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang
Mas gusto ko
Ang beer na to o
Ang pag ibig mo