Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo
Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan
Huwag niyong tapakan
Ang katarungan
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat
Di ba
Dapat ikaw ang nagsisilbi sa’min
Bakit tila kami'y nananaginip nang gising
Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata n’yo’y mamulat
Magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa n’yong magsilbi sa amin
Tuluyang nawalan ng bisa
Ba't sinaulo't ‘di sinapuso bilang ng buhay ng tao
Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
Wag n’yong kalilimutan na hawak-hawak
Namin ang inyong trono
Nadidinig n’yo pa ba ‘ko? Pangako'y napako dahil sa korona sa ulo n’yo
Di na magpapaalipin pa
Sa mga rehas mo
Di mabubuwag ng kahit anumang sindak
Ang katotohanang 'to
Ibon na malayang lumipad
Di mo na makukulong
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat
Katotohanan, ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan
Makatarungan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat