menu-iconlogo
logo

Kathang Isip

logo
Тексты
Diba nga ito ang 'yong gusto

Oh, ito'y lilisan na ako

Mga alaala'y ibabaon

Kalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing di namamalayang

Oras ay lumilipad

Mga sandaling lumalayag

Kung saan man tayo mapadpad

Bawat kilig na nadarama

Sa tuwing hawak ang iyong kamay

Ito'y maling akala

Isang malaking sablay

Pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na

Sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo

Kung gaano kabilis nagsimula

Ganoong katulin nawala

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa

Upang di na umasa ang pusong nag-iisa

Pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na

Sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana

Minsan siya'y para sa iyo

Pero minsan siya'y paasa

Tatakbo papalayo't kakalimutan ang lahat

Pero kahit saan man lumingon

Nasusulyapan ang kahapon

At sa aking bawat paghinga

Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na

Mula sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo

Lalayo sa

Diba nga ito ang iyong gusto

Ito'y lilisan na ako