Sasalubungin kita
Sa dulo ng 'yong galit
Uunawain kita
Para 'di tayo maging
Epidemyang 'di matapos-tapos sugpuin
O problemang 'di makita, sa'n ang salarin
Tayo ba ay naging makasarili
Sarado ba'ng tenga sa mga hiling
Nakikinig ka ba sa akin
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Kung mayro'n kang pupurihin
Sige lang, gawin mo 'yan
Kung mayro'n kang babatikusin
Sige lang, gawin mo 'yan
Mahalaga'y bawat isa'y mapakinggan
Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Patawad na
Sa pagkukulang
Naririnig
Kita
Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba sa akin?
Ang bukas ay ating yakapin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba
Nakikinig ka ba
Nakikinig ka ba
Nakikinig ka ba
Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit