menu-iconlogo
logo

Dongalo Jazz

logo
Тексты
Payat hindi gangsta makapal ang aking lente

Utak ko ay unli matagal ang aking bente

Lumipad pataas na para bang pal toh

Pero mababa lang na para bang alto

Wag kang malito pagkat hindi mali toh

Pagkat matibay ang dongalo at hindi bali toh

Solidong kwadrado parang mukhang mapanga

Nasa gitna ng labanan kahit na mapanga nib

Tignan mo mga dumi ang dami noh

Akong patugtugin tumba sila parang domino

Pero tugtog nila hindi labag sakin

At hindi ko habol na silay pabagsakin

Dumating ako para hindi mag pilit

Binalanse lang at di na kailangan mag delete

Damihan kontian hindi damihan alisin

Taasan ang talino ang kabobohan walisin

Bugoy na koykoy narinig parang sigaw

Mga sinulat kong ito naramdaman parang singaw

Dating neighborhood hustla hari ng nagpapa ending

Pero hanggang ngayon ang sampung milyon ko ay pending

Pagkat tao lang ligaw sa dalawang daan

Minsan pinagkakasya ang dalang dalawang daan

May mga ahas sakin pero sobrang halata

Inapakan ko ang ahas parang cobrang nalata

Abangan ang aking mixxtape iba ang aking lasa

Mas makulay ang aking damo iba ang aking plaza

Tapos lalawakan ko ang dating pinaliitan

Aking inangat ang larangan pinag initan

Tatanggaling mga buhol pagkat dati tinale

Pang mahina na kanta lalagyan ko ng finale

Pakinggan ang makatang laging may dalang bag

Nipis ng pananaw mo aking kinalampag

Dongalo Jazz от Bugoy na Koykoy - Тексты & Каверы