Puso ko'y binihag mo,
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay;
Ako'y lyo habang buhay.
Anhin pa ang kayamanan,
Luho at karangalan?
Kung ika'y mapasa'kin,
Lahat na nga ay kakamtin.
Sa 'yo lamang ang puso ko;
Sa 'yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita,
Pagtalima, aking sumpa.
Tangan kong kalooban, sa iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo,
Tumalima lamang sa 'yo.
Sa 'yo lamang ang puso ko;
Sa 'yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita,
Pagtalima, aking sumpa.
Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita,
Pagtalima, aking sumpa.
Kalinisan, pagdaralita,
Pagtalima, aking sumpa.