KUNG KITA'Y KAPILING
by:Carmen Soriano
comp:Constancio de Gusman
(arr. Jose Valdez)
Solo Classical Guitar
:yetyet bm
Giliw, ano't di ka kumikibo?
Naghihingalo na yaring puso
Dahil sa aking pagsuyo
Na di mo pinansin
At iyong binayaang
Masiphayo.
Kung kita'y kapiling
Ay nalilimutan
Ang mga pasakit
At dusang tinataglay.
Sa lahat ng oras
Ikaw ang pangarap
Ng abang bihag mo
Lagi nang nasa hirap.
Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang naghihintay
Ng awa mo at pagtingin.
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko
Hanggang sa hukay.
Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang nahihintay
Ng awa mo at pagtingin
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang giliw ko
Hanggang sa hukay.
Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang nahihintay
Ng awa mo at pagtingin
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang giliw ko
Hanggang sa hukay.
Salamat Po...