Sayang, ngayon lang tayo nagkatagpo
Ngayon na rin magkakalayo
Bakit kaya...
Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
Oh sayang, sana'y nakilala na kita
Noong ako ay malaya pa
Katulad mo...
Malayang nasusunod ang puso...
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At duo'y magisnan na ang pag ibig mo
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan
Oh sayang...
Sayang...
Huling dumating ka sa buhay ko
Ang pag ibig na katulad mo
Bakit kaya...
Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
Oh sayang...
Pagsuyong ngayon lang dumating
Hindi na maaaring angkinin
Ng tulad kong...
Wala nang kalayaan pang umibig...
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At duo'y magisnan na ang pag ibig mo
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon...
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan
Talagang sayang...
Oh sayang....
Sayang...