Giliw ko kumusta na
Ang buhay sa ibang bansa
Ikaw pa ba'y lumuluha
Dahil sa akin nawalay ka
Aking sinta hayaan mo
Ang pagtulo ng luha ko
Pagka't ako'y nanibago
Ngayong wala sa piling mo
Sabihin mo oh bakit ba
Sa akin ika'y lumisan pa
Ako'y sanay sa umaga
Ikaw ang una kong makita
Pasensiya na aking sinta
Pagka't ika'y nadamay pa
Kalungkutang nadarama
Pagdusa mo'y di ko sadya
Pinili ko ang lumayo
Labag man sa kalooban ko
Pagka't ako'y mahirap lang
Pagiipon ay kailangan
Ako'y babalik na may dala
Para sa aking prinsesa
Kamay mo ay hingin ko na
Mula sayong mama't papa
Di ko hangad ang karangyaan
Ako'y laki sa hirap lang
Ang gusto ko'y kapiling ka
Hanggang sa aking pagtanda
Kapit lang aking sinta
Sa akin ay magtiwala ka
Kahit ako ay malayo
Nagiisa ka sa puso ko
Aking sinta mangako ka
Sa puso mo'y walang iba
Pagkat sobrang mahal kita
Ako'y sayo at akin ka
Pakiusap ko sai'yo
Sarili mo ay alagaan mo
Ako sayo'y maghihintay
Pagkat mahal kitang tunay.....