menu-iconlogo
logo

Hayaan

logo
Тексты
Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait

Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit

Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit

Kaya hayaan sana na ako ngayo'y mapag- isa

Isara ang pinto ipatulo ang mga luha

Ipikit mga mata hayaang maglakbay

Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y wala na

Na ika'y wala na

Dahan- dahang sasanayin ang aking sarili

Unti- unting aangat naghihintay ng tamang saglit

Hinay- hinay 'wag naman sanang imadali

Kaya pagbigyan na na ako ngayo'y mapag- isa

At 'wag nang mag- alala sa tamang panahon ako'y babangon na

Ipikit mga mata hayaang maglakbay

Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y wala na

Na ika'y wala na

Malalim na hininga damdaming ibuga

Nabibingi sa katahimikang dala

Ng pusong hingalo

Pagod sumusuko

Oh oh oh oh

At aking aalamin

Mga tanong na 'di binabanggit

Mga sagot hinihingi

Hahanapin ang nakakubli

Pinaglaban pinaglaban ko sana

Ngunit wala na wala na 'kong magawa

At aking aawitin

Lahat ng damdaming kinimkim

'Di na kayang mawala

Kaya hayaan sana

Ipikit mga mata hayaang maglakbay

Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y wala na

Hayaan от Cup of Joe - Тексты & Каверы